Hello po sa lahat.
I wasn't able to post on my blog for quite sometime kasi may diperensya ang aking PC. My PC would just shut down for no apparent reason. I've reformatted my HD twice this year hoping to fix the problem, wala pa rin. Akala ko naayos ko na but then yesterday bumalik na naman ang sakit. Haaayyy!
Kahit naman maayos PC ko hindi pa rin ako magkanda ugaga sa mga gawain dito sa bahay. Yes, umalis na ang aking maid na si Jogalyn, sya ang nakakita ng doppleganger ko. Akala ng marami umalis sya dahil sa mumu, aktuwali umalis sya kse miss nya makaniig ang asawa nya gabi gabi. Sabi ko nga baka buntis sya. Siguro si Tanggers kinikilig sa name ng ex-helper ko, Jogalyn. Sayang wala akong picpic nyang puwedeng ipakita sa inyo, para malaman nyo bakit sya binansagang Jogalyn. Malamang alam ni Tanggers kung bakit. Hehehe.
Nagsidatingan mga kamag anak from the province. 2 cousins are now staying with us since they are working here in Metro Manila. Yung isa lilipat pag nag start na ang training pero hindi nya alam kung kailan. Yung pinsan kong babae naman kaka start lang sa call center at wala naman syang ibang puwedeng puntahan na convenient para sa kanya na tirahan. Then the parents of these 2 cousins arrived 2 weeks ago, stayed here for a week. Ang kanilang tatay ay pumunta ng US para bisitahin ang kayang mga magulang. Logically dito sila titira dahil nandito ang dalawa nilang anak. Since walang katulong dito, tulong tulong kami ng tita ko sa gawain bahay.
Pero may mga changes pang nangyari.
May tutorial center na po ako.
Kakaumpisa ko lang officially July 19 with 1 student. Hehehe. Nagiisa pa lang student ko sa ngayon kaya wala akong income, puro out ang pera ko. Huhuhu. Actually, meron 2 possible students kaso mahirap mga kaso nila dahil kinder 2 pa lamang sila eh marami na silang academic load at problems. Kung ako lang masusunod, I would rather not take on students in pre-school till grade 1. But the Lord has an odd sense of humor, He likes to give me what I've been trying to avoid since I've started tutoring. He gave me a grade 1 student, who is fine naman, plus a kinder 2 student who seems to be spaced out most of the time and I might have another kinder 2 student who has problems writing and seems to be hard headed according to the mom. Haayyy! Buti na lang nasa Pilipinas ako. My mom's friend Lani, who is a pre-school teacher in Texas, told me her stories. Hirap daw talaga magturo sa mga Amerikano. Alam ko, I once had a tutee na kano, muntik na akong mag walk out sa partuturo sa kanya.
Magpapasalamat lang ako sa mga pang post ng comments at nag tag sa shoutbox ko, mga naghanap sa akin na para aking nawawalang baboy sa koral hehehe: Helltracker, MommyBa, Char, Ka Uro, Teacher Sol, Senorito<-Ako, MEC, Melissa, Russ, Watson, Hany-nany, Hanagirl, Dr.Emer, Kitty, Ate Sienna, Tanggero, Miatot, Duke.
Btw, advance happy bday to Hanagirl, is it on the 27th or 28th?
Trishaaaaa I think the event is an entire August thing, check the night time sky from 10pm till 12:30am. The encounter will culminate on August 27th. Abangan mo na!