Wednesday, September 29, 2004

4.5 M pupils lack chairs, desks

Yan ang bumungad sa akin sa peryodiko kanina. Natawa ako kasi parang ngayon lang nila nalaman ito. There are public schools here in Metro Manila that have 3 shifts of classes just to accomodate all their students. Paano kulang na kulang sa classrooms. Kung kulang sa classrooms natural it would follow na kulang din sa mga chairs and desk! Sus! Kelangan pa bang i-memorize yan?
Pero say niyo, may balak ang DepEd magdagdag pa ng isang taon sa high school. San naman kaya nila isasaksak yung mga estudyante ng extra year na yon at saan kaya sila kukuha ng guro para don? Kaya may brain drain ng mga professionals dito kasi nga sa sad state ng Pilipinas ngayon.

I may not be a real teacher but I know the feeling of helplessness of a teacher having such an overwhelming responsibility given the limited resources. I remember there was one time I was lo-jacked into teaching the internet to a group of employees of TUCP. I was informed a day before the set date. When I got to the computer school kita ko ang daming tao all over, hindi pa pala na organize ang kung ilang estudyante kada classroom, wala pang room assignments. I got 30 persons to teach. When it was time for me to teach the actuall internet stuff, umpisa kasi yung surfing/using the browser. Nagtaka ako most of the people were complaining may error message daw or ayaw mag connect. Nag try kami mag IRC, ayaw din. Yun pala don sa 30 units na nasa room, 10 lang ang may internet! Waaaaaaaaaaahhhh!! Paano ako makakapagturo niyan?!?! Nakakahiya!!! Tapos kinakailangan ko pang magturo ng pag gamit ng Yahoo Messenger, yung mga units walang installed na YM! Pinag download ko sila pero ayaw mag DL kasi nga yung iba walang internet connection, yung iba naman naghahang during downloading!! Haaaaaaaayyyyyyy punyemas!! Buti hindi nagalit yung mga taga TUCP sa akin, siguro naintindihan nila ang sitwasyon ko. Hindi lang limitado ang resources mo, kapos pa!! Sa experience kong ito naiisip ko bakit sila tumanggap ng ganong kadaming tao natuturuan pero wala naman pala silang puwedeng isaksak na lecturer? Buti na lang I was free that day, kung hindi mapapahiya sila. How many times have done this? Tatanggap sila ng class o turo pero may conflict sa sched, tapos magkakandarapa sila sa paghahanap ng magtuturo. Kasalanan ng manager ito ng center at ng marketing personnel. Minsan kasalanan din ng lecturer na gumawa ng sched o tumanggap ng bagong klase thinking na may makukuhang lecturer to cover up for him. Paano puro pera ang nasa isip ng mga tao, may quota silang hinahabol every month kaya kahit na magkaproblema sa sched or availability ng lecturer or availability ng room eh sige lang sila ng sige. Paano niyo maihahalintulad ito ngayon sa sitwasyon dito sa Pilipinas?

Naaawa ako sa mga guro natin kasi mahirap talaga ang trabaho nila. Sa kanila nakasalalay ang kinabukasan ng mga bata pero limitado naman ang magagawa nila. Pero mas nakakaawa ang mga bata kasi long term ang effects ng ganitong sistema ng edukasyon dito sa Pilipinas. Sira ang kinabukasan nila.

8 comments:

Cerridwen said...

it is sad to think that education doesn't seem to be the government's priority. They don't seem to see the potential of their own people.

I have great admiration for teachers and I have said time and time again even before. The patience & work it takes and for what kind of pay? All over the world, teachers are the least paid. And yet they are are the one who shapes the mind of our children along side of the parents.

If government will just earmark part of taxes and lottery to education and honestly spend it there, it should not be this bad.

Tanggero said...

Hayyy! kakalungkot noh? Makikita mo talaga na napakalaki ng difference ng isang private school graduate compared to a public school graduate. Bakit ganun ang sistema sa tin? Dito sa Singapore, pareho lang ng system at level of competitiveness kahit saang school ka graduate, facilities lang ang kaibahan.
Di naman pagdagdag ng 1 year ang solusyon dyan, i-upgrade dapat nila ang system ng pagtuturo at tinuturo nila. I doubt kung may pag-asa pa ang Pinas?

fionski said...

Haaaayyyyyyyyyy talaga. Hindi pa ako magulang pero nalulungkot na ako. Paano pa kaya ang mga magulang na gustong bigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak nila?
Cerridwen unfortunately education is not a priority here. Maybe because those who create laws, those who implement the laws can afford to send their kids to expensive schools. Officials should get their boots dirty, they should try to teach even just for one day so they would see what is really going on in our public schools.

Jhun Billote said...

ay, sinabi mo ms fionski...buti tayo nakatikim ng kaunting ginhawa nung panahon natin sa eskwela...maluwag ang rooms, kaunting estudyante, nabibigyan ka ng sapat ng attention. ngayun, biglang lumubo ang bilang ng mag-aaral at parang di masustentuhan ng gobyerno ang pangngailangan ng mga bata.

isang araw, nagtaka ako at umuwi ng 12 noon ang panganay ko, dati kasi maghapon ang klase. natanung ko, kulang na pala ng rooms, shifting ika nga. may pang-umaga, me panghapon...private school pa yun ha. pano na kaya pag public? nakakalungkot isipin.

fionski said...

Oonga po sir Metal Ears. Lalo na sa akin na laking bundok, wala talaga akong naging problema sa pagaaral ko although madalas magkulang sa textbook kasi mga books noon for rent lang. Pero mangilanngilan lang ang kulang at hindi lahat ng textbooks noon ay bitin.
Siguro ang kakulangan ng rooms at books ay dala na rin ng paglaki ng populasyon. Wala kasi tayong foresight as a nation. Iba ang priorities natin.
Sana naman maagapan pa ito. Ayaw kong isipin na may mas masamang puwedeng mangyari sa sistema ng edukasyon natin. May lalala pa kaya dito? Haayy!

Huseng Busabos said...

Lahat sa atin parang manufacturing plant. The more they produce the better for their wallets(owners)or libidos (couples with more than 4 children) - problem is, they don't care about the quality or safety of the end product.
Namputsa naman, pito na ang anak dadagdagan pa, isa lang naman ang nagtratrabaho sa pamilya (minsan nga wala pa) - tapos sisisihin ang gobyerno sa paghihirap nila. Gobyerno naman, pipilitin magtiis yung mga tao samantalang sila milyones ang sinusuweldo(=kinukurakot)- tapos sisisihin yung simbahan dahil kinokontra daw ang mga plataporma nila. Yung simbahan naman, sasabihin sa iyo mapupunta ka sa impierno pag gumamit ka ng contraception - hindi naman nila pakakainin yung ekstrang bata sa pamilya. F$%&*#g life cycle ng Pilipinas - hindi na umasenso.

fionski said...

Oops.... Ang puso mo...

fionski said...

Talaga kuya Techguy? Gusto mong tumulong? Ako na lang tulungan mo, mahirap lang ako saka nag aaral pa rin. Hehehehe.