Saturday, October 09, 2004

Lindol!!

It was past 10PM I was on the sofa while my nephew was in bed, we were watching something I can't even remember now kasi kinakalikot ko ang cellphone ko. Naramdaman kong parang yumugyog ang sofa. Tinignan ko ang nephew ko and asked him if he felt it. Nakatingin lang ang nephew ko sa akin nakikiramdam siya. Ilang minuto na nakakalipas may nagshe-shake pa rin. Lindol nga! Pinatayo ko na sya from his bed. Biglang lumakas ang yugyog. Nagworry na ako, parang hindi na yata titigila at lalakas pa ang pang yanig ng hospital building. Nasa 8th floor kami kaya ramdam namin ang pang hampas ng gusali. Ninenerbyos na ang pamangkin ko, pati ako pero di ko pinapahalata sa kanya. Dahan-dahan kong hinila sabitan ng IV niya na parang matutumba pag hinila mo dahil sa bigat ng sabitan at ng bote na nakasabit dito. I let him stay under the door frame of his room and told him to stay there. Imagine from his bed to the door it took us 2-3 minutes pero lumilindol pa rin kahit nadon na kami. Matagal din sya. Tapos ng humupa na ang lindol nag ring ang telepono sa room. It was my sister, she was worried sick kasi she tried calling my cell but it was off, akala siguro niya may nangyari na sa amin na masama. Umiiyak na pala siya non. Then my sister in law called to check on us kasi ang mga anak niya nagwoworry sa amin dahil dalawa lang kami sa hospital. When she gave the phone to her son, nagiiiyak na ang bata kasi parang nagworry ng husto sa pinsan nila baka kung anong mangyari sa kanya. Parang gusto kong umiyak when I heard him cry. Pati pala ang bunso umiiyak na rin. Maryosep! May nagduet! Hehehe.
Nakikiramdam kami ng mga kapitkuwarto namin kung may aftershock na darating at kung may balita na tungkol sa lindol. Nakapanood ako ng news late na at halos hindi ko na rin maalala kasi inaantok na ako non.
Kung ako lang siguro ang nandon malamang hindi ako nagworry gaano kasi sigurado akong makakahanap ako ng paraan to save myself. Kung lumakas man ang lindol at gumuho ang ospital, ok lang din kasi wala akong dependents so I can "go" anytime. Kaso I was with my nephew whom I love very much, hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanya, definitely I would have to save him if something bad happened. He was entrusted to me so I was responsible for his well being. Hindi yata madali yon. Buti na lang pinauwi ko yung 4 year old son ng sister ko. He wanted to stay behind kasama ko raw magbantay sa kuya niya. Pinauwi ko kasi wala syang mga damit at iba pang gamit at baka magiiiyak sa pag gising niya sa umaga. Kung sakali pala nadagdagan ang responsibilidad ko that night.
I think there was a milder quake around Aug or Sept this month.
Signs of things to come?

6 comments:

Cerridwen said...

ate f the way I missed oyu last night I am sooooo glad you and your nephew (and the rest of the hosp residents) are safe!

BongK said...

i think it's a sign of time, time for us to be good and be responsible to everyone around us, to the people we dearly love and even to those who have some bad feelings towards us. it's time also for us to thank God for the good things he has continuously been sharing with us.

fionski said...

Wow kuya Bong! I'm speechless! May serious side ka pala.
Dapat talaga we should express our love every chance we get. Ikaw ba ginagawa mo yan? Hehehe.

Anonymous said...

Mabuti wala nasaktan. I hope your nephew gets better soon.

fionski said...

Thanks Anonymous. Next time post your name or an email addy ok? I want to address you properly.

Anonymous said...

OK. I signed up with Blogger last week with the username "Arrow-N", but I'm still on step #2.