Tuesday, August 02, 2005

Busy as a Bee

Hello po sa lahat.
I wasn't able to post on my blog for quite sometime kasi may diperensya ang aking PC. My PC would just shut down for no apparent reason. I've reformatted my HD twice this year hoping to fix the problem, wala pa rin. Akala ko naayos ko na but then yesterday bumalik na naman ang sakit. Haaayyy!
Kahit naman maayos PC ko hindi pa rin ako magkanda ugaga sa mga gawain dito sa bahay. Yes, umalis na ang aking maid na si Jogalyn, sya ang nakakita ng doppleganger ko. Akala ng marami umalis sya dahil sa mumu, aktuwali umalis sya kse miss nya makaniig ang asawa nya gabi gabi. Sabi ko nga baka buntis sya. Siguro si Tanggers kinikilig sa name ng ex-helper ko, Jogalyn. Sayang wala akong picpic nyang puwedeng ipakita sa inyo, para malaman nyo bakit sya binansagang Jogalyn. Malamang alam ni Tanggers kung bakit. Hehehe.
Nagsidatingan mga kamag anak from the province. 2 cousins are now staying with us since they are working here in Metro Manila. Yung isa lilipat pag nag start na ang training pero hindi nya alam kung kailan. Yung pinsan kong babae naman kaka start lang sa call center at wala naman syang ibang puwedeng puntahan na convenient para sa kanya na tirahan. Then the parents of these 2 cousins arrived 2 weeks ago, stayed here for a week. Ang kanilang tatay ay pumunta ng US para bisitahin ang kayang mga magulang. Logically dito sila titira dahil nandito ang dalawa nilang anak. Since walang katulong dito, tulong tulong kami ng tita ko sa gawain bahay.
Pero may mga changes pang nangyari.

May tutorial center na po ako.
Kakaumpisa ko lang officially July 19 with 1 student. Hehehe. Nagiisa pa lang student ko sa ngayon kaya wala akong income, puro out ang pera ko. Huhuhu. Actually, meron 2 possible students kaso mahirap mga kaso nila dahil kinder 2 pa lamang sila eh marami na silang academic load at problems. Kung ako lang masusunod, I would rather not take on students in pre-school till grade 1. But the Lord has an odd sense of humor, He likes to give me what I've been trying to avoid since I've started tutoring. He gave me a grade 1 student, who is fine naman, plus a kinder 2 student who seems to be spaced out most of the time and I might have another kinder 2 student who has problems writing and seems to be hard headed according to the mom. Haayyy! Buti na lang nasa Pilipinas ako. My mom's friend Lani, who is a pre-school teacher in Texas, told me her stories. Hirap daw talaga magturo sa mga Amerikano. Alam ko, I once had a tutee na kano, muntik na akong mag walk out sa partuturo sa kanya.

Magpapasalamat lang ako sa mga pang post ng comments at nag tag sa shoutbox ko, mga naghanap sa akin na para aking nawawalang baboy sa koral hehehe: Helltracker, MommyBa, Char, Ka Uro, Teacher Sol, Senorito<-Ako, MEC, Melissa, Russ, Watson, Hany-nany, Hanagirl, Dr.Emer, Kitty, Ate Sienna, Tanggero, Miatot, Duke.

Btw, advance happy bday to Hanagirl, is it on the 27th or 28th?
Trishaaaaa I think the event is an entire August thing, check the night time sky from 10pm till 12:30am. The encounter will culminate on August 27th. Abangan mo na!

26 comments:

Anonymous said...

Fionaaaaa!!!
Welcome back, ganda naman ng site, parang Mac! I luv it!

Anonymous said...

Yuf Mel, nice noh? Got this from blogger templates. Luma na kse skin ko. Hehehehe.

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

yay! we're back. and i love your new layout. so cool! :)

Anonymous said...

FIONSKY, glad to have you here again! I got so busy as you, buti nalang naka-draft na ang entries ko at publish nalang ako every other day. Parang may time pa sa blogging ano? hehe...

Anonymous said...

Hi FIONSKY!

We in the Pinoy Teachers Network are not in private practice. We are in the helping and caring profession, a service profession to help people enhance the quality of their lives. We invite you to join us. Please visit our website:

http://pinoyteachersnetwork.blog-city.com

Anonymous said...

This is the latest template from the same website where I got mine. Kudos sa shift. Kaya lang di ko makita ang tag-board mo. Where did you put it?

Kudos din sa tutorial center mo? Ako , puede mo bang i-tutor? :)

Anonymous said...

welcome back. ate, may tatanong lang ako. may bagong employer na ba si jogalyn? baka kasi maunahan pa ako ni tanggers. hehe.

Anonymous said...

bat jogalyn name nun? di ko alam ha! malaki ba ang paa niya? welcome back fions and congrats sa new bisnis mo. galeng ng timplit!
pag ganyan ang sakit ng pc mo, posporo lang katapat nyan, hehehehe.

Anonymous said...

Tama ka Fionski, natutuwa nga si Tanggers sa pangalan ng yaya nyong malaki ang paa. bwehehehe. Uy talaga nagtuturo ka ng kids? Mahaba dapat pasensya mo pag ganyang business ah. Parang may mga anak ka na rin kasi pag ganyan! Pero mukhang masaya naman :-)

Anonymous said...

Ang galing ng header mo, gumagalaw pa. Paano mo ginawa yan? I see nakita mo na pala ang Pinoy Teachers Network website, hehe, oks ba? You're always welcome to join us ha, pag di ka na masyado busy...

Anonymous said...

Ganda ng header mo kaya lang mam ang tagal maidownload ng blogsite mo. Congrats at wishing success sa tutorial center mo.

Anonymous said...

ganda!!!!!!!!!!!

ang kulit ng bagong template ever ah!!! :) i like!!! :)

and sana maalala ko ang Mars..ahehehe... night with w@wies yun eh... baka nde ko mapansin

Anonymous said...

ganda!!!!!!!!!!!

ang kulit ng bagong template ever ah!!! :) i like!!! :)

and sana maalala ko ang Mars..ahehehe... night with w@wies yun eh... baka nde ko mapansin

Anonymous said...

Pasensiya na po kung kailangan ninyong magdala ng talasalitaan nadala lamang po ako ng aking damdamin. Hindi ko po kaano-ano si Ka Uro pagkat ako po naman ay si Mang Goyong. Susunod po ninyong pasyal gitara na po ang inyong dadalhin sapagkat kaya naman ay aking pakakantahin. Sorry na lang kung di ninyo alam ang song sapagkat kapanahunan po ito ni Ka Uro.

Anonymous said...

musta na, bago mamatay yong pc anong error message kung basta na lang namamatay....tingnan mo yong cpu fan baka hindi umiikot....pa fedex mo sa akin....papalitan ko ng p4 3.6 mhz....inde i wil repair it....hapi weekend...my sharona...este fionski.....

Anonymous said...

Ate Fions!! Salamat sa pagbisita mo sa blog ko. Namiss kita nang husto. Lagi na lang di updated blog mo pag pinupuntahan ko. Natuwa talaga ako nang makita ko ang tag mo sa 'kin.

SOBRANG PRETTY EVER ang iyong bagong template! IT'S SO REFRESHING!

Medyo busy nga ako sa mga pinagkakaabalahan ko. Kakasira lang din kagabi ng PC ko habang nagcoco-host ako ng crop sa 3S at tapos ayaw pa gumana ng GPRS ng phone ko. Ang bait diba? Napabili ako ng bagong UPS dahil sa kanya kasi yun pala ang bumigay! BWAHAHAHA! Siguro nagrereklamo na kasi 24/7 ang PC ko. O sya, more kwento later sa blog ko kasi test driving pa ako dito.

WELCOME BACK! *hugs*

Anonymous said...

miss you na achie fions... hehe ayos ang bagong template mo. simple lang pero may dating.. parang ikaw sa personal, simple lang pero malakas ang dating! ;)
sayang naman di ko man lang nakita ang maid nyong malaki ang paa. sa name pa lang na Jogalyn ini-imagine ko na na medyo may mabigat syang dinadala.. di na raw ba sya babalik sa inyo?
hindi pa rin ba ok pc mo ngayon? natatandaan mo ba dati na dapat magpalit ka ng cpu fan nyan? baka kailangan mo ng magpalit talaga ngayon. grabe init ng AMD.
congrats pala sa bago mong bizniz! sana maging maganda lahat ng kalalabasan ng pinaghirapan mo. antayin ko na lang yung kalembang ng kampana pag nakatakda na. sana maimbitahan mo naman ako hehe ;p
ako naman ngayon medyo sa friendster blog lang naga-update .. medyo busy na sa bago kong buhay.. ang sarap maging masaya!!
sana ikaw din......

Anonymous said...

Wala lang, gusto ko lang magkatabi kami ni Lords sa comments section hehe. :)

Anonymous said...

HELLO FIONSKY!

We're one month old now! Thank you for helping us disseminate the information about our global pinoy teachers' network. We are professional Filipino Educators. We are going to inspire, be proactive, give hope, and go the extra mile.

MARAMING SALAMAT SA IYO!

Anonymous said...

Hope you don't mind, Fionsky, I tagged you in my latest entry :D I know we're both busy but I wish you'll find time to post it in your blog too. Salamat na marami.

Anonymous said...

thanks, yah it's on the 28th :) ganda ng bagong look ng blog mo ah. how'd you put that thingy(i forgot what it's called) yung icon beside your url address sa browser. teach me? been attemtping to put like that in my blog for ages na. cge na, bday gift mo sa akin. hehe :)

Anonymous said...

thanks, yah it's on the 28th :) ganda ng bagong look ng blog mo ah. how'd you put that thingy(i forgot what it's called) yung icon beside your url address sa browser. teach me? been attemtping to put like that in my blog for ages na. cge na, bday gift mo sa akin. hehe :)

Anonymous said...

ay na figure out ko na!!! kina-reer ko. haha:)

Anonymous said...

Hey Queen Bee,

Musta na?

Anonymous said...

hiyee!! nice site!

*bloghoppin*